top of page

Ginising ni Gold si Alyssa na natutulog sa klase. Nagising siya sa kanilang silid aralan. Panaginip lang ba lahat ng nangyari? Naguluhan si Gold sa pagtawag ni Alyssa sakanya ng "boots". "Nasiraan na ba si Alyssa" tanong ni Gold sa kanyang sarili. Habang naguusap ang dalawa, biglang dumating si Dranreb para manghingi ng papel ngunit pinalo siya ni Alyssa at sinabihan ng " Swiper No Swiping!". Tinanong ni Dranreb kung okay lang daw ba si Alyssa dahil nagkakaganon siya. Nagaya si Alyssa sa labas upang magkwento ng kaniyang panaginip. Nasa may hagdan na sila Alyssa. Patuloy na ikinwento niya ang mga nangyari sa kaniyang panaginip tulad ng pagsakay ng tricycle, pagpunta ng freedom at palangke at pati narin ang pagpunta nila sa Palayan. Pagkatapos magkwento ni Alyssa bigla siyang tumayo at nagsabi na gusto niya na raw maging vlogger at umalis at iniwan ang kaniyang dalawang kaibigang naguguluhan. Sinimulan ni Alyssa ang kaniyang pagvlovlog at gumawa siya ng youtube channel para maipost ang kaniyang vlog. Para sa una niyang vlog, nagvlog siya sa loob ng kanilang silid aralan. Pagkatapos niya magvlog, humingi siya ng tulong kay Trizia upang magedit at magupload ng kanyang video sa youtube. Ang huling episode ay isang song cover ni Alyssa ng mga gusto niyang kanta. Nagbeatbox din siya habang nagcocover. Eto ay ang vlog ni Alyssa pagkatapos makakuha ng isang milyong mga manunuod sa Youtube

bottom of page