top of page

May isang manglalakbay na babae na mahilig gumala (malamang manglalakbay eh) na nais libutin ang gusto nyang puntahan. Siya ay mabait, maganda, magalang at higit sa lahat ay may takot sa Diyos. Siya ay 16 na taong gulang pa lamang pero gala na. Ang aking tinutukoy ay si Alyssa "Dora" Espinetra wala na ngang iba kundi siya. Tayo nat subaybayan ang kanyang paglalakbay sa Rice Granary of the Philippines ang Nueva Ecija (ano pa ba?). Ang una nyang pupuntahan ay ang Cabanatuan. Syempre hindi makakaalis ang ating bida na si Dora kung wala ang kanyang backpack, ngunit may problema ang ating bida. Hindi niya muna makakasama si boots dahil may ginagawa ito sa Cabanatuan City Hall. Ang ating bida ay magsisimula na maglakbay kaya kailangan niya nang tignan ang mapa para sa kanyang mga pupuntahan.

 

Una ay ang freedom park, pangalawa ay ang malinis na palengke ng Cabanatuan city at ang panghuli ay ang Cabanatuan City Hall. Naghahanap ng masasakyan si Dora nang makita niya ang mga napakaraming tricycle napagtanto niya na ang cabsy nga pala ang tinaguriang tricycle kapital ng pilipinas, kaya napakarami nito dito. Sumakay na si Dora patungo ng Freedom park hindi naman ganon kalayuan ito kaya di nagtagal ay nakarating na siya. Habang pababa ng tricycle ay di maalis sa kanya ang pagkagalak dahil napakaganda nga naman ng Freedom park at libre pa rito pumunta. Maraming ibat ibang klase ng laruan ang makikita sa loob nito na siguradong maglilibang ang ating bida lumipas ang mga oras at tapos na ang ating bida na maglibang sa freedom park. Nang nakalabas na siya ng freedom park upang pumunta sa kanyang susunod na pupuntahan ay napansin niya si Swiper sa kanyang likuran habang siya ay naglalakad. Hindi niya alam ang kanyang gagawin dahil nais agawin ni Swiper ang kanyang camera kaya kaagad syang sumigaw ng Swiper! No swiping! Paulit ulit lang niya ito sinigaw at ayun nga napaalis niya si Swiper at hindi nagtagumpay sa kanyang balak gawin.

 

Muli binuksan ulit ni Dora ang mapa upang tignan ang kanyang tatahakin papuntang palengke nais sana maglakad ni Dora ngunit tinamad si  Napagod at nagutom na maglakbay ang ating bida kaya  nagpasya muna kumain bago pumunta sa kanyang huling patutunguhan kaya umupo muna sya at kumain ng masasarap na pagkain gaya ng chicPagkayari kumain ay agad na naghanda ang ating bida na si Dora para sa kanyang huling pupuntahan. Agad niyang binuksan ang mapa upang malaman ang daan patungo sa Cabanatuan City  Hall pero gaya ng dati tinamad nanaman maglakad ang ating bida kaya sumakay na lang ulit siya. Gaya ulit ng dati hindi ganon kalayo ang city hall kaya nakarating kagad ng ating bida na si Dora ang city hall. Gaya ulit ng dati hindi maialis sa kanya ang pagkagalak dahil napakaganda nga naman ng city hall at mababait pa ang mga nangangasiwa at namamahala dito. Naglakadlakad ang ating bida roon at nakipag-usap sa mga tao roon. Hindi nagtagal ay umalis na ang ating bida at umuwi na dahil napagod ito kakalakbay.

 

Ano kaya ang susunod niyang gagawin at saan siya susunod na pupunta? Siguradong aabangan niyo ito at hihintayin. Abangan ito sa susunod na linggo.ken, spaghetti at fries. Ang mga pagkain na yan ay galing sa kanyang munting backpack na ako rin ay napamangha kung pano nagkasya. 

bottom of page